As we officially wrap up the Natatanging Ina 2026: Hindi Lang Maganda, Kahanga-hanga Pa, we celebrate not just a successful event, but the inspiring stories of every mother who became part of this meaningful journey.

Ngayong Women’s Month, mas pinatunayan natin na ang tunay na ganda ng isang ina ay hindi lang nakikita sa panlabas na anyo, kundi sa kanyang sakripisyo, tibay ng loob, pagmamahal, at walang sawang pag-aaruga sa kanyang pamilya at komunidad.

Sa lahat ng ating mga candidates, you are all winners. Ipinakita ninyo ang tunay na kahulugan ng pagiging isang Natatanging Ina—matatag, mapagmahal, at tunay na kahanga-hanga. Naging inspirasyon kayo sa bawat isa sa atin.

Lubos din po ang aming pasasalamat sa patuloy na suporta ni Mayor Carlo Crisanto Pena Peredo,na naging katuwang sa pagsusulong ng mga programang nagbibigay-pugay sa kababaihan at mga ina sa ating komunidad. Ang kanyang suporta ay nagsilbing inspirasyon upang maisakatuparan ang isang makabuluhan at matagumpay na selebrasyon.

Maraming salamat sa ating mga organizers, judges, sponsors, at sa lahat ng sumuporta at nakiisa sa selebrasyong ito. Dahil sa inyo, naging matagumpay at makabuluhan ang programang ito.

As we move forward, dalhin natin ang inspirasyon at aral mula sa event na ito. Patuloy nating kilalanin, pahalagahan, at suportahan ang bawat kababaihan at ina sa ating komunidad.

Mabuhay ang Natatanging Ina! Mabuhay ang kababaihan!